Importasyon ng poultry products sa Netherlands, ipinagbabawal muna

Importasyon ng poultry products sa Netherlands, ipinagbabawal muna

IPINAGBABAWAL na muna ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng anumang poultry products mula sa Netherlands.

Batay sa inilabas na Memorandum Order No. 56 ng ahensiya nitong Disyembre 9, bilang proteksiyon ang kanilang hakbang laban sa naitalang bird flu cases sa naturang European country.

Tanging mga shipment lang na kasalukuyang nasa biyahe na, o kaya’y tinanggap na ng pantalan ang hindi kasali sa importation ban basta’t ang mga produkto ay kinatay at prinoseso bago o sa araw ng Disyembre 3, 2024.

Ngayon ay sinuspinde na rin ng DA ang pagproseso at evaluation ng mga aplikasyon at ang paglalabas ng sanitary at phytosanitary import clearances.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble