AMINADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kinakailangan ng bansa na mag-import kasunod ng mababang produksyon ng agri products. presyo
Ito ay sa kabila ng kasalukuyang kalagayan ng mga lokal na magsasaka.
Ani Pangulong Marcos, ‘di hamak na mas mababa ang produksyon ng Pilipinas pagdating sa agri products kaysa sa demand, kaya wala itong magagawa kundi mag-import.
“Again, in this short term, the increasing prices of food products is alarming. Our production is well below our demand, therefore, we must import,” ani Pangulong Marcos.
Sa kontrobersyal na presyo naman ng sibuyas, ani Pangulong Marcos, ngayon ay natutugunan na ng pamahalaan kung gaano karami ang commodity sa bansa.
“Because of the chaos that we saw, when it came to sugar, onions, we didn’t know how much of the commodity was actually in the country. We’re starting to get a handle on it now,” ayon pa sa Pangulo.
Dagdag ni Pangulong Marcos, ang kailangan na lang plantsahin ay ang schedule kung kailan dapat mag-import ng sibuyas upang hindi magkaroon ng kumpetensiya sa pagitan ng imported na sibuyas at sa ani ng mga lokal na magsasaka.
Sa usapin naman ng asukal, upang hindi na maulit ang pagtaas ng presyo nito, magpapatupad na ng 2-month buffer-stock.
“In terms of sugar, I mentioned specifically before that we will now, from now on maintain a 2-month buffer stock. That is to mitigate the speculation. Alam mo, normal ‘yan sa negosyante, ‘pag alam nilang magkakashortage, they will keep it hanggang tumaas yung presyo. Maybe you can call it hoarding but it’s a business practice. And that’s what we hope to avoid,” aniya.