NAGPAPATULOY ang importasyon ng Pilipinas ng meat products ngayong taon.
Sa ulat ng Bureau of Animal Industry (BAI), nasa 757.3 million kilograms ang inangkat ng Pilipinas sa unang pitong buwan ng taong 2024.
Kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2023, nasa 702.24 million kilograms lang ang imported meat products.
Itinuturong sanhi nito ang African Swine Fever (ASF) outbreak ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Arnel de Mesa.