Imports ng karneng baboy, darating na ngayong Pebrero

POSIBLE ng darating ngayong buwan ng Pebrero ang imports na baboy papasok sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture Asec Noel Reyes.

Ayon kay Reyes, manggagaling ang mga karneng baboy mula sa Visayas, Mindanao at iba pang areas na African Swine Fever o ASF free mula sa area ng Luzon tulad ng Ilocos Sur, Ilocos Norte Abra at Quezon.

Dahil dito, aasahan ang konting pagbaba sa presyo ng karneng baboy.

Sa ngayon, ang presyo nito ay naglalaro sa ₱270 hanggang ₱280 ang kasim at ₱300 hanggang ₱310 naman ang liempo.

SMNI NEWS