Imprastraktura, malaking hamon para sa mga tourism destination –DOT

Imprastraktura, malaking hamon para sa mga tourism destination –DOT

INILAHAD ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco na malaking hamon sa turismo ng bansa ang imprastraktura.

“One of the biggest challenges for tourism destination is infrastructure,” ani Sec. Christina Garcia-Frasco, DOT.

Ito ang nakikitang hamon ni Sec. Frasco kung bakit mabagal ang pag-unlad ng turismo sa ilang lugar sa bansa.

Ani Frasco, hindi uunlad ang turismo sa isang lugar kung hindi ito madaling mapuntahan dahil sa kakulangan ng accessibility dito.

“Very basic need for roads, water system, drainage and the things if you are not able to improve accessibility into tourist destination you cannot expect garner many tourist as you want,” ani Sec. Frasco.

Kabilang aniya sa karaniwang hamon ay ang gateway access tulad ng availability ng mga pantalan, barko, at mga flight.

Connectivity at accessibility ng mga tourism destination, tiniyak ng DOT

Gayunpaman, nakikipagtulungan na ang DOT sa Department of Transportation (DOTr) upang matugunan ang problema sa accessibility at connectivity ng iba’t ibang destinasyon sa bansa.

“Being an archipelagic country, it’s so important for us to connect our islands physically. So, we’re working very closely with the Department of Transportation, Sec. Jimmy Bautista whose been very supportive to be able further develop our gateways, our routes, as well as our sea and marine transportation,” ayon pa kay Sec. Frasco.

Follow SMNI NEWS in Instagram