In-person classes sa Bicol, suspendido pa rin hanggang ngayon

In-person classes sa Bicol, suspendido pa rin hanggang ngayon

NANANATILING suspendido ang in-person classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bicol partikular na sa Albay maliban sa bayan ng Malilipot.

Bunsod pa rin ang suspensiyon sa naranasan nilang mga pagbaha, landslides, at lahar flow.

Sa ngayon ay ang bayan ng Pio Duran at Jovellar pa lang ang wala ng class suspension doon.

Maliban sa Albay, suspendido rin hanggang ngayon ang in-person classes sa Camarines Sur, Sorsogon Province, at Catanduanes.

Samantala, ang pinahintulutang government offices lang din na pisikal na magbalik-trabaho sa Bicol ay ang mga nasa lugar na hindi apektado ng baha, landslides, at lahar flow.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter