NANINDIGAN ang ina ni Francis Jay Gumikib na hinding-hindi sila magpapa-areglo sa titser na nanampal sa kaniyang anak, dahilan ng pagkasawi nito.
Ayon sa pamilya, tuloy ang kasong isasampa nila laban sa guro.
Maging ang adviser din ng kaniyang anak ay posibleng maharap sa reklamo dahil sa aniya’y kapabayaan nitong kunsintehin ang nasabing guro sa pananakit sa kaniyang anak.
Gayunpaman, sakaling taliwas sa kanilang inaasahan ang resulta ng autopsiya ng PNP sa bata, pursigido pa rin ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa guro.