DINALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang inagurasyon ng UnionBank Innovation Campus sa San Pedro City, Laguna nitong umaga ng Biyernes.
Ayon kay Pangulong Marcos, ikinatuwa niya ang pagpapasinaya ng naturang campus.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, kung may nagbibigay-liwanag man sa gitna ng pandemya, ito ay ang pagpapabilis aniya ng pag-adopt ng mga makabagong teknolohiya sa digital at modernong panahon na ito.
Sa naturang event, tiningnan din ng Punong-Ehekutibo ang mga pasilidad ng campus.
Bukod kay Pangulong Marcos, dumalo rin sa event sina Trade Secretary Alfredo Pascual, San Pedro City Mayor Art Joseph Mercado at mga matataas na opisyal ng UnionBank.
Mababatid na inilunsad ng UnionBank of the Philippines ang “The Future of Banking is with U”, ang 2022 UnionBank Innovation Festival.
Ito ay isang 3-day event na nagsimula noong Setyembre 7 at magtatapos ngayong araw, Setyembre 9.