Inagurasyon ni PBBM guguluhin ng mga makakaliwang grupo – Atty. Gadon

Inagurasyon ni PBBM guguluhin ng mga makakaliwang grupo – Atty. Gadon

GUGULUHIN ng makakaliwang grupo ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ito ang sinabi ni Atty. Larry Gadon upang ipahiya si PBBM sa kanyang nalalapit na inagurasyon.

Kaya’t nanawagan si Atty. Gadon sa mga magulang ng mga estudyante, na huwag pasamahin ang kanilang mga anak sa ginagawang kilos-protesta ng makakaliwang grupo.

Sinabi ni Gadon sa pulong balitaan sa Rembrant Hotel sa Quezon City na posibleng gawin ng mga laban o ayaw  sa Marcos ang nangyaring pagpapasabog noon sa Plaza Miranda, at ibinintang sa dating Presidenteng Ferdinand Marcos Sr. at ibinintang naman kay Ferdinand ‘Bobong ‘Marcos Jr.

Ibinulgar pa ni Atty. Gadon na tuloy-tuloy ang mga recruitment ng mga umano’y komunista sa mga estudyante upang palakasin ang kanilang hanay para guluhin ang bagong Presidente ng Pilipinas.

Matatandaang ibinulgar ni dating Senator Juan Ponce Enrile, ang banta ng panggugulo ng ilang grupo sa nalalapit na inagurasyon ni PBBM.

Follow SMNI NEWS in Twitter