MAAARI pang tumaas o mas bumaba ang inaprubahang P733-M ng Kamara para sa Office of the Vice President (OVP) sa 2025.
Sa ngayon ay titingnan pa ni Senate President Francis Escudero ang naturang budget proposal.
Inaantay rin niya ang committee report ni Sen. Grace Poe na siyang chairperson ng Senate Committee on Finance.
Matatandaang mula sa P2B ay nasa P733M lang ang inaprubahang budget ng Kamara para sa OVP.
Subalit hindi pa nga ito ang magiging pinal na pondo ng OVP para sa 2025 dahil isasalang pa sa bicameral committee ang naturang proposed budget.