Inaprubahang disenyo ng barrier sa motorsiklo, dapat sundin —JTF Covid-19 Shield

Inaprubahang disenyo ng barrier sa motorsiklo, dapat sundin —JTF Covid-19 Shield

BONUS OFFER

SINISILIP na ng Joint Task Force Covid-19 Shield ang ilang ulat na aksidente sa motorsiklo kung saan itinuturong sanhi umano ay ang barrier na ginamit dito.

 

Ayon kay JTF Covid-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang aksidente ay posibleng resulta ng hindi pagsunod sa disenyo ng barrier na inaprubahan ng National Task Force Against Covid-19.

 

Maingat anyang pinag-aralan ng NTF ang disenyo ng barrier para sa kaligtasan ng mga motorcycle rider.

 

Pinayuhan din ni Eleazar ang mga gumagamit ng motorsiklo na doblehin ang pag-iingat lalo na tuwing nasa kalsada.

 

 

Nabatid na ang barrier na nakakabit sa motorsiko ng Bohol LGU at backpack-type na barrier ng Angkas ang inaprubahang disenyo ng NTF.

 

Samantala, umabot na sa mahigit 20,000 ang lumabag sa motorcycle back-riding policy.

 

Sa nasabing bilang, 11,509 ang walang barrier at 10,932 dahil sa pagkakaroon ng hindi awtorisadong backride.

 

Sa susunod na linggo ay inaasahang magiging mahigpit na ang awtoridad lalo’t binigyan na nila ng palugit ang mga motorcycle rider para gumamit ng barrier kontra COVID-19.

 

Deadline sa paglalagay ng barriers sa mga motorsiklo, pinalawig pa

 

Pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force ang deadline para sa paglalagay ng protective dividers o barriers sa mga motorsiklo.

 

Mula Hulyo 20 pinalawig ito ng IATD hanggang sa Hulyo 26.

 

Ayon kay Joint Task Force Covid Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa Hulyo 27 na magsisimulang manghuli ang mga awtoridad ng mga rider na may angkas ngunit walang motorcycle barrier.

 

Muli ring ipinaalala ni Eleazar na ang motorcycle back rides ay para lang sa mag-asawa o live-in partners.

 

Matatandaang dalawang prototypes para sa barrier ang inaprubahan ng gobyerno; ang shield na nakalagay sa motorsiklo at ang backpack-like na design ng ride hailing platform na Angkas.

 

SMNI NEWS

Low cost charcoal

Leave a Reply

Your email address will not be published.