DARATING ngayong araw sa PNP National Headquarters sa Camp Crame ang inarestong si PRO Bangsamoro Regional Director Police Brigadier General John Guyguyon.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., pansamantalang ilalagay sa kustodiya ng PNP Custodial Center si Guyguyon.
Makikiusap aniya ang PNP sa korte na sa kanilang munang kustodiya si Guyguyon dahil aktibong miyembro ito ng organisasyon.
Hindi rin umano alam ni Guyguyon na may summons ang korte sa kanya kaya hindi ito nakasipot.
Si Guyguyon ay nahaharap sa dalawang kasong syndicated estafa na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 na may petsang Dec. 1, 2022 at Quezon City Regional Trial Court Branch 91 na may petsang May 20, 2022.