MARIING ipinahayag ng PDP-Laban ang kanilang suporta sa national peace rally na pangungunahan ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong araw, Lunes, Enero 13, 2025.
Gaganapin ito sa mga pangunahing lungsod sa Metro Manila, Cebu City, at Davao City.
Layunin ng rally na magtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa kasabay ng pagtutol sa mga hakbang na nagdudulot ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino tulad ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ng PDP-Laban na ang rally ay nagsisilbing paalala sa mga namumuno sa bansa na itaguyod ang pagkakaisa at magtuon sa mga isyung may malaking epekto sa mga Pilipino lalo na ang patuloy na krisis pang-ekonomiya.
Ayon sa partido, ito rin ay pagkakataon upang hikayatin ang mga lider ng bansa na ilagay ang kapakanan ng nakararami kaysa sa mga partisan na interes.
Kaugnay rito, nag-anunsiyo na ang Malacañang ng suspensiyon ng pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan maging sa mga government office sa Manila at Pasay ngayong araw.
Follow SMNI News on Rumble