Incoming DND OIC Jose Faustino Jr. binati ni Defense Secretary Delfin Lorenzana

Incoming DND OIC Jose Faustino Jr. binati ni Defense Secretary Delfin Lorenzana

MALUGOD na tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakahirang kay retired AFP chief of staff General Jose Faustino Jr. bilang incoming OIC ng Department of National Defense (DND) ng administrasyong Marcos.

Sa isang pahayag ni Lorenzana, sinabi nito na muling sasabak sa trabaho si Jose Faustino Jr. matapos na magretiro sa AFP noong Nobyembre 2021.

Kumpyansa si Lorenzana na dahil sa mahabang panahon sa militar ni Faustino ay magtatagumpay itong maisulong ang mga nasimulan ng DND.

Partikular na aniya sa internal security at external defense operations, gayundin sa modernisasyon ng militar at ng buong DND.

Inaasahan ni Lorenzana na makatrabaho si Faustino at ang kanyang “transition team” hanggang sa Hunyo 30.

Nabatid na si Faustino ay magsisilbi bilang senior undersecretary at OIC ng DND hanggang sa pag-upo bilang kalihim sa Nobyembre 13, 2022.

Ito ay dahil sa umiiral na isang taong ban sa pagtatalaga ng mga nagretirong opisyal ng militar sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter