SA bisa ng warrant of arrest, naaresto si Pandi Bulacan Incumbent Mayor Enrico Roque dahil sa reklamong rape sa isa umanong menor de edad.
Pinangunahan ang pag-aresto sa suspek ng mga tauahan ng Northern Police District Special Operations Unit at CIDG Forensic Unit sa isang parke ng kanilang mismong bayan, ganap na ala-una ng hapon nito lamang Martes, Decmber 17, 2024.
Kasabwat ng suspek ang isang pang aktibong konsehal at isa pang empleyado ng nasabing bayan.
Ayon sa mga awtoridad, maingat ang kanilang pagsasagawa ng operasyon at binasahan naman ito ng kani-kanilang mga karapatan sa usaping legal.
Kasabay nito ang pangako ng mga awtoridad sa agarang pagpapapanagot sa sinumang nagkakasala sa batas.
“This operation demonstrates the commitment of the Northern Police District to uphold justice, regardless of who is involved. We will continue to pursue our mandate to ensure the safety of our communities and hold accountable those who violate the law,” ayon kay PCol. Josefino D. Ligan OIC, Northern Police District.
Hanggang sa mga oras na ito wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng alkalde sa sinapit ng kanilang kaanak.