KAHIT walang enabling law para tanggalin sa ere ang Sonshine Media Network International (SMNI) ay naggawa pa ring patawan ng indefinite suspension ng gobyerno ang network.
Iyan ang sinapit ng network sa kamay ng Marcos Jr. administration na matatandaang sinuportahan ng SMNI noong 2022 elections.
At para sa kaalaman ng lahat – SMNI lang ang bukod-tanging network na sumugal at sumuporta sa kandidatura ng noo’y kandidato sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos Jr.
‘Yun nga lang at nabaliktad na ang sitwasyon dahil ang sa halip na tumanaw ng utang na loob sa SMNI ay heto’t pilit tayong ginugurgur ngayon.
Ngunit paalala ng batikang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, maling-mali ang course of action ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa SMNI.
Hindi aniya kasi sapat ang house bill o house resolution para pilayan ang network dahil may sarili itong franchise law.
Kamakailan, isang panukalang batas ang nakalusot sa House of Representatives para i-revoke ang Republic Act 11422—ang batas na naggagawad ng 25-taong franchise to operate.
“Is that a law? No. it is a House Bill. Why? Because under our bicameral system of government, in order for that to become law, there are two other steps. Number 1, it has to have the concurrence of the Senate. Number 2, it has to be signed by the President,” paliwanag ni Atty. Ferdie Topacio, Law Expert.
Kuwestiyunable ani Topacio ang ginawa ng NTC na magpataw ng indefinite suspension.
Nilabag din aniya nito ang separation of powers ng executive at legislative branch—ng NTC at ng House of Representatives.
“This is illegal. Na kay Atty. Torreon na ‘yan kung mamarapatin mo papadaplis lamang. Alam niyo po, hindi po pwede ‘yang ginagawa ng NTC as a regulatory body to impose an indefinite suspension. Because if they do that, then they are trenching upon the prerogative of Congress to make laws. May batas, by the simple expedient of the commission under the executive granting an indefinite suspension, ay parang in-invalidate mo ang batas. This is an impermissible violation of the separation of powers,” saad pa nito.
Nilinaw naman ni Topacio na may franchise law pa rin ang SMNI.
Nakasampa na rin ang apela ng network sa NTC para bawiin ang indefinite suspension.
“So, diyan pa lang makikita niyo na ‘eh na hindi na iginagalang ng Executive ang batas. Ngunit dahil kontrolado nila ang House of the Senate ngayon walang umaalma, dapat mainsulto ang mga legislators. Sabihin nila, okay, kahit congressman dapat mainsulto sabihin nila “bumoto nga kami to cancel, pero hindi pa naman batas, there is still a law, that law should be implemented, pero hindi po ginagawa. Papaanong gagawin natin ngayon? Kung ang batas ay ginagamitan ng naked power ng executive. So, papaano tayong magtitiwala sa justice system? Paano mo sasabihing “humarap ka sa batas,” when the law has been perverted and distorted?” aniya.