Index crime volume sa bansa, bumaba ng mahigit 8%—PNP

Index crime volume sa bansa, bumaba ng mahigit 8%—PNP

IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng crime rate sa bansa sa nakalipas na 10 buwan.

Batay sa datos ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ng PNP, mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2023 ay bumaba ng 8.24 percent ang index crime volume.

Habang bumaba ng 8.18 percent ang focus crimes tulad ng murder, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang nasabing numero ay nagsisilbing patunay na epektibo ang pagpapatupad ng batas ng pulisya.

Maliban dito, boluntaryong sumuko ang 341 wanted persons at naaresto ang 63,486 indibidwal.

Sa kampanya kontra loose firearms, 7,914 indibidwal ang nasukol ng pulisya at 25,174 baril ang narekober, isinuko, at nakumpiska.

Sa kampanya kontra ilegal na droga, 48,454 indibidwal ang nahuli ng pulisya at nakumpiska ang P9.7-B halaga ng ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble