MANANATILI sa loob ng apat na araw ang tatlong naval ships ng bansang India sa Maynila.
Para ito sa gagawing maritime partnership exercise ngayong linggo ng dalawang bansa.
Umaasa na rin ang India na mapalakas ang ugnayan sa Pilipinas lalo na’t magkapareho ang interes nito sa larangan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Indo-Pacific Region.
Noong nakaraang buwan ay nagkaroon na rin ng Balikatan Joint Military Exercises ang Pilipinas kasama ang Estados Unidos, Japan, at Australia.