India at Pilipinas, mas pinaigting ang ugnayan sa seguridad

India at Pilipinas, mas pinaigting ang ugnayan sa seguridad

NAG-courtesy call si National Defense College of India Senior Directing Staff Maj. Gen. Samarth Nagar sa Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Roy Galido sa Headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Hunyo 5, 2024.

Sa nasabing pagbisita nagpalitan ng diplomatic plans ang dalawang opisyal.

Kabilang din sa napag-usapan ang mga opurtunidad lalo na sa pagtugon sa kasalukuyan at ang mga hindi inaasahang banta sa seguridad sa pagitan ng Indian Army at Philippine Army.

Napagkasunduan din ng dalawang opisyal na ipagpatuloy ang Exploring Education and Training Programs sa pamamagitan ng pagbisita sa mga training areas kabilang na ang personnel exchange programs ng dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble