India, umaasang matutuloy na ang 200M dollars na missile procurement deal sa pagitan ng Pilipinas

India, umaasang matutuloy na ang 200M dollars na missile procurement deal sa pagitan ng Pilipinas

INAASAHAN ng India na maselyuhan na ang mahigit 200 million dollars na procurement deal sa pagitan ng Pilipinas hinggil sa kanilang Akasha Short-Range Missiles.

Wala namang inilabas na detalye hinggil dito ang Department of National Defense ngunit binigyang-diin nila ang pangangailangan sa pagpapalakas ng military capabilities ng Pilipinas.

Kung matutuloy ay ito na ang magiging pangalawang procurement deal ng bansa sa Indian government.

Kasunod ito sa 375 million dollars na halaga ng mid-range Brahmos Supersonic Cruise Missiles noong 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble