BIBISITA sa Russia ngayong July 8 at 9 si Indian Prime Minister Narendra Modi.
Sa nakatakdang pagbisita, tatalakayin umano ni Modi at Russian President Vladimir Putin ang pagpapaunlad pa ng traditional Russian-Indian relations.
Kasama na rin ang iba pang international at regional agenda.
Ito na muli ang pagbisita ni Modi sa Russia mula noong September 2019 para sa isang India-Russia Annual Summit.