LUMALAKAS na ang Pilipinas sa mga turistang Indian ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sa datos noong 2024, umabot na ng 80K ang Indian visitors o mas mataas ng 12% kumpara noong taong 2023.
Mas mababa pa rin ang naturang bilang kumpara sa ibang Asian tourists subalit ayon sa ahensiya, makikita na ang paglago.
Dahil dito, mas palalakasin pa ng DOT ang kanilang business-to-business engagements sa pagitan ng Indian tourism stakeholders.