NASA Pilipinas na ang INS Kadmatt ng Indian Navy na isang anti-submarine warship.
Ang dalawang araw na ‘goodwill visit’ ng Indian Navy sa bansa ay bahagi ng kanilang regional tour sa Indo-Pacific.
Malugod silang tinanggap ng Philippine Navy sa pangunguna ni Vice Commander Rear Adm. Caesar Bernard Valencia.
Bahagi ng kanilang pagbisita sa bansa ay ang maritime partnership exercise sa pagitan ng nasabing Indian warship at ng BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy.
“We’ve been having Indian Navy ships visit the Philippines regularly because it’s important that we walk the talk when it comes to engagement between our navies. We should have our navy ships engage with each other, have training exchanges, operational exchanges.”
“I think it’s important to have these operational exchanges because we grow when we work together,” ayon kay Shambhu S. Kumaran, Ambassador, Embassy of India.
Mas pagpapalakas ng maritime security engagement sa pagitan ng Pinas at India, tiniyak sa 2024
Dagdag pa ni Indian Ambassador to the Philippines Shambu Kumaran na prayoridad ng kanilang bansa ang Indio Pacific region kung saan ang Pilipinas ang nasa sentrong lokasyon ng nasabing rehiyon.
Binigyang-diin din nito ang patuloy na pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at India sa taong 2024.
“We have a shared interest in peace and stability of the region, a lot of complementarities. So you will expect that India will continue a strong navy and maritime security engagement,” dagdag ni Kumaran.
Ang huling pagbisita sa bansa ng INS Kadmatt ay noong Oktubre 2017.