TULOY pa ang laban ng Indiana Pacers sa kampeonato dahil magkakaroon ng Game 7 sa 2025 NBA Finals matapos talunin ang Oklahoma City Thunder, 108-91, Biyernes ng umaga sa Gainbridge Fieldhouse, Indianapolis.
Bumida si Obi Toppin mula sa bench na may 20 points at 6 rebounds. Nag-ambag din sina Andrew Nembhard ng 17 points at Pascal Siakam ng 16.
Kahit may iniindang injury, nakalaro pa rin si Tyrese Haliburton at nagtala ng 14 points.
Lamang ng tatlong puntos ang Pacers sa unang quarter, ngunit nagtuloy-tuloy ang kanilang opensa at lumobo ang lamang sa 30 puntos bago mag-fourth quarter.
Si Shai Gilgeous-Alexander naman ang nanguna sa Thunder na may 21 puntos pero may 8 turnovers.
Ang Game 7 ay nakatakda sa Lunes ng umaga sa Oklahoma City kung saan ito na ang ika-dalawampung (20) Game 7 sa kasaysayan ng NBA Finals.