Indians, sinimulan nang ilikas mula sa lumulubog na holy town

Indians, sinimulan nang ilikas mula sa lumulubog na holy town

SINIMULAN nang ilikas ng awtoridad ang mga residente ng isa sa pinaka banal na bayan ng Indian Himalayas matapos magkaroon ng bitak-bitak ang daan-daang kabahayan at nagsimulang lumubog ayon sa mga opisyal.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan ng paglubog ng Joshimath sa Northern State ng Uttakarakhad ngunit isinisisi ng mga residente ang pagtatayo ng mga daanan at tunnels para sa kalapit na hydroelectric project. holy town

Nagpatawag si Prime Minister Narendra Modi ng high-level meeting para pag-usapan ang problema matapos na bumuo ang pamahalaan ng expert panel upang mabilisang mapag-aralan ang dahilan nito.

Sinabi ni local official Himashu Khurana sa AFP na nasa 60 na pamilya na ang nailipat ng tirahan sa mga shelter at maraming iba pa ang ililikas mula sa kanilang lumulubog na tirahan. holy town

Follow SMNI NEWS in Twitter