Indigenous people, naging target ng makakaliwang grupo sa recruitment —Lorenzana

INDIGENOUS people ang target ng mga makakaliwang grupo nitong nagdaang dalawang taon ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Aniya, nagtatayo ng mga paaralan ang makakaliwa at dito tinuturuan ang mga kabataan sa doktrina nila.

“Ang target nila nitong nakaraang dalawang taon itong mga indigenous people. Talagang malalayong lugar ‘yan, hindi maabot ng gobyerno, hindi rin maabot ng education. So, ginawa nila, sila ang nagtayo ng mga schools, ‘yung tinatawag nilang Salugpongan school at Alcadev. Doon nila nili-lecturan ang mga bata,” ayon kay Lorenzana.

May mga testigo pa ani Lorenzana na ang kinakantang national anthem at hindi sa Pilipinas kundi yung anthem na ng mga terorista.

Tinuturuan din na bumaril ang mga kabataan dito sa mga paaralang pinatayo ng mga makakaliwang grupo.

Subalit nilinaw naman ni Sec. Lorenzana na nagpapatuloy pa rin silang humihikayat sa makakaliwang grupo na mag-surrender na at tiniyak pa nito na sa oras na mag-surrender sila ay may full protection sila ng mga pulis at sundalo.

“Nandiyan naman ang ating mga military at pulis na umaantabay sa kanila. Hindi naman sila ilalagay sa mga lugar na sila-sila lang na walang security dahil puwede silang balikan ng kanilang mga kasamahan, at sila ay saktan,” paglilinaw ni Lorenzana.

Ibinahagi naman ni Sec. Lorenzana na madali lang ang proseso kung sakaling sila ay magbalik- loob sa pamahalaan.

“Ang dapat lang nilang gawin ay lumapit lang sila sa pinakamalapit na detachment ng military o ‘di kaya’y PNP. Sasabihin nilang sila ay bumabalik at sila ay daldahin doon sa headquarters, magkakaroon ng  proseso and then kung talagang legitimate sila na magbabalik-loob ay ipapasok na sila sa programa ‘yung ating E-CLIP,” pagbahagi ni Lorenzana.

Ani pa Lorenzana, kayang- kayang tapusin ng Duterte Administration ang pagsawata ng makakaliwang grupo basta’t patuloy na magpupursigi ang tropa ng pamahalaan at budget para sa pagsuporta ng mga surrenderees.

“Basta magpursigi lang ang mga tropa natin at saka mga pulis at saka tuloy-tuloy ‘yung funding kasi…ang importante nyan ay maipakita natin sa kanila na ang pangako natin ay natutupad. Sa katunayan nga itong budget ngayon ay may hiningi kaming P16-B para sa mga 800+ barangays na cleared na, na naghihintay ng development,” ayon kay Lorenzana.

Simula 2018, mahigit 30,000 na ang nag-surrender mula sa makakaliwang grupo.

SMNI NEWS