NAKABUO ng kauna-unahan nitong locally developed COVID-19 vaccine ang bansang Indonesia.
Ito ang ibinalita ng pinuno ng Public Health Agency ng Indonesia nitong Biyernes, Setyembre 30.
Ayon kay Penny Lukito, pinuno ng National Food and Drugs Agency na BPOM, ang nabuong bakuna ay gagawin nilang isang pundasyon at unang hakbang upang makamit ang kalayaan ng bansa sa pag-access sa gamot.
Ang bakuna ay tinawag na IndoVac na binuo ng state-owned pharmaceutical company na Bio Farma at Texas-based Baylor College of Medicine kung saan gagamitin sa mga di pa nababakunahan sa bansa.
Nagpakita ng 92% efficacy rate ang IndoVac, at ‘generally mild’ lamang ang side effects.