Indonesia, target makabili ng 3 milyong tonelada ng domestic rice ngayong 2025

Indonesia, target makabili ng 3 milyong tonelada ng domestic rice ngayong 2025

ITINAAS ng Indonesia’s State Food Procurement Company (BULOG) ang kanilang target na makabili ng 3 milyong tonelada ng domestic rice ngayong 2025.

Ang bagong target ay higit na doble kumpara sa 1.27 milyong tonelada na naitala noong 2024, ayon sa datos mula sa BULOG.

Ayon kay Zulkifli Hasan, Senior Minister ng Food Affairs, hindi na mag-aangkat ng bigas ang Indonesia ngayong taon matapos ang pagbili ng higit 3.7 milyong tonelada noong 2024.

Dagdag pa ni Zulkifli, itataas ng gobyerno ang presyo ng pagbili para sa palay simula Enero 15 upang makahikayat ng mas mataas na ani at mabigyan ng mas magandang kita ang mga magsasaka.

Tinatayang aabot sa 32.8 milyong tonelada ang ani ng bigas sa Indonesia para sa 2025, mas mataas kumpara sa 30.34 milyong tonelada na naitala noong nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble