Indoor mask mandate sa S. Korea, wawakasan na sa Lunes

Indoor mask mandate sa S. Korea, wawakasan na sa Lunes

HINDI na ire-require sa indoors ang face mask sa South Korea simula sa Lunes.

Maliban na lamang sa high risk na mga lugar gaya ng ospital at pampublikong transportasyon gaya ng bus at tren.

Kabilang sa mga lugar na magiging mask free ay mga paaralan, kindergarten, child care centers at department stores.

Samantala, kasali rin sa mask free list ang outdoor at indoor space ng subway stations, train stations maging ng mga paliparan.

Sa kabila nito ay inirerekomenda pa rin ng Korea Disease Control and Prevention Agency ang pagsusuot ng face mask sa kahit anong indoor na lugar.

Ito ay upang makontrol pa rin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Magkakaroon naman ng multa sa mga indibidwal na mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask sa mga itinalagang lugar na kinakailangang magsuot nito.

Ang paglabag sa polisiyang ito ay posibleng magdulot ng 100 libong won na multa sa isang indibidwal.

Follow SMNI NEWS in Twitter