Indoor mask mandate, wawakasan na sa South Korea sa Enero 30

Indoor mask mandate, wawakasan na sa South Korea sa Enero 30

WAWAKASAN na ang indoor mask mandate sa South Korea pero mananatili pa rin ang restriksyon na ito sa high risk areas gaya ng mga ospital.

Isang hakbang na ipinatupad 3 taon na ang nakararaan.

Inihayag ni Prime Minister Han Duk Soo sa isang pagpupulong na mayroong eksepsyon ang hakbang na ito gaya ng high risk na mga lugar gaya ng ospital, parmasya at pampublikong transportasyon kung saan mandatoryo pa rin ang pagsusuot ng face mask.

Ayon naman kay Jee Young-Mee, Commissioner ng Korea Disease Control and Prevention Agency, kahit na tinanggal na ang restriksyon na ito, ang pagsusuot ng face mask ay inirerekomenda pa rin sa bansa.

Ayon kay Jee, ang pagtatanggal ng restriksyon sa pagsusuot ng face mask sa indoor areas  ay magsisimula sa Enero 30 kasunod ng long holiday weekend mula Sabado hanggang Martes para maiwasan ang post-holiday surge.

Sa nakalipas na mga linggo, ang Korea ay nakakapagtala lamang ng higit 30 libong kaso ng COVID-19 na malaki namang pagbaba mula sa unang mga bilang na umaabot ng 100 libong kaso bawat araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter