NAGBIGAY ng pondong P100 milyon ang pamahalaan upang maiahon muli ang industriya ng asin sa Ilocos Region.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Ilocos Region officer-in-charge Rosario Segundina Gaerlan, nakatuon ang inisyal na proyekto para sa small-scale salt production, tulungan ang mga prodyuser ng asin na magkaroon ng mas magandang tambakan, hygienic handling, marketing, at laboratory tests.
Aniya, nag-alok ang Pangasinan State University (PSU) na magtatag ng Advance Salt Innovation Center para sa pagsasaliksik.
“I asked PSU to submit the proposal, which we will include in the road map for salt,” ayon kay Gaerlan.
Makapagbenepisyo sa nasabing programa ang mga salt producer pati na rin ang mga magsasaka ayon kay Department of Agriculture (DA) Ilocos Region executive director Nestor Domenden.
“Salt is a prime commodity. Without it, we will have no bagoong, no patis. If the local industry dies, we will have to import again, like what we are doing with bangus fry which we import a big bulk of our need,” ayon kay Domenden.
(BASAHIN: Ilocos Norte, namigay ng biik sa hog raisers na apektado ng ASF)