Industriya ng pagniniyog sa Rehiyon 7, mas palalakasin dahil sa implementasyon ng CFIDP

Industriya ng pagniniyog sa Rehiyon 7, mas palalakasin dahil sa implementasyon ng CFIDP

MAS palalakasin dahil sa imlementasyon ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) ang industriya ng pagniniyog sa Rehiyon 7.

Nagsagawa ng kauna-unahang Regional Coconut Summit sa Cebu ang Philippine Coconut Authority (PCA) Region 7 at DTI-7 na layong mapag-usapan ang iba’t ibang plano sa implementasyon ng CFIDP.

Produktong copra ang karaniwang produkto na ipino-produce ng mga magniniyog sa Region 7, ngunit dahil sa implementasyon ng CFIDP, sari-saring produkto na mula sa niyog ang maaaring gawin ng mga magniniyog.

Mula nang maipasa ang Coconut Farmers Industry Trust Fund Act o CoCo Levy Fund noong Pebrero 26, 2021 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naging malawak na ang oportunidad ng ating mga magniniyog sa bansa.

Kaya sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ang 1st Regional Coconut Summit na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Philippine Coconut Authority 7 sa isang hotel sa Cebu.

Layon ng naturang summit na mapag-usapan ang iba’t ibang plano kaugnay sa implementasyon ng coconut farmers and industry development plan.

“In line with the coconut farmers and industry development plan which is plan that as born out from Republic Act 11524, otherwise known as the Coconut Famers Industry Trust Fund Act which was signed into law last February 26, 2021. This concerns the utilization of coconut levy funds, we have been longing for about more than four decades,” ayon kay Brendan Trasmonte, Regional Head, Philippine Coconut Authority.

Dagdag pa ni Trasmonte, ang mga planong ito ay magiging direksiyon ng mga magniniyog sa rehiyon kasama ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan na sakop ng batas.

“There’s should have a plan for the utilization of Coconut Levy Funds and this is the reason why the coconut farmers and industry development plan was signed by then President Rodrigo Roa Duterte through Executive Order No. 172 that will provide the direction as to how we will utilize funds and how we will implement the programs,” dagdag ni Trasmonte.

Ani Trasmonte, kabahagi ang DTI sa pagpapalawig ng mga produktong niyog sa rehiyon upang makalikha ng iba’t ibang produkto mula sa niyog.

“DTI is taking their mandate as far the law is concern which is market promotion, development and research. With this, they are inviting potential coconut farmers group and MSME’s to participate in this undertaking with their hope promoting also the CFIDP and so that we could provide this farmers groups with the information that would help and develop the growth of the coconut industry,” ani Trasmonte.

Ayon naman kay DTI-7 Regional Director Maria Elena Arbon, bilang katuwang ng industriya sa niyog, responsibilidad nito na i-market ang mga produkto ng niyog sa local o abroad.

“In DTI, ang mandato natin under CFRDP, is to do market, market research, market assistance, what we are doing sa farmers natin here in Region 7 is to show them, ano ‘yung mga market opportunities in coconut other than copra so we are telling them, we are informing them, there are other high value products that they can do so they can also be more productive, more competitive at saka mas mataas ‘yung income at the farm level,” ayon kay Director Maria Elena Arbon, Regional Director, DTI-7.

Kaya naman pinag-usapan sa summit kung paano ma-i-market ang mga produkto mula sa niyog.

“Actually we are looking for both the domestic and export market. In this summit we discuss first ano ‘yung opportunity sa local market at ano ‘yung opportunity sa export market, so that our farmers will have a wide view. Parang macro view of what is possible we are teasing their imagination na puwede pala ito beyond copra, what is there beyond copra,” dagdag ni Arbon.

Halos 200 mga coconut farmers ang dumalo sa Regional Coconut Summit na mula pa sa probinsiya ng Cebu, Bohol, Siquijor, at Negros Oriental at iba pang mga stakeholders.

Tinatayang nasa 2.5 million ang coconut farmers sa buong bansa at lagpas 2,000 nito ay nasa Central Visayas na umaasa sa pagpapatupad ng CFIDP upang makaahon sa kahirapan, ma-rehabilitate at ma-modernize ang Philippine Coconut Industry.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble