MAGIGING hamon para kay newly-appointed Finance Sec. Ralph Recto ang inflation at malaking utang ng bansa.
Ayon sa ilang analysts, ito’y dahil inaasahan ng publiko na sa ilalim ng bagong liderato ng Department of Finance (DOF) ay magkakaroon ng agarang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin o kaya’y mas mapababa pa ang inflation rates.
Kaugnay nito ay partikular nga na dapat tugunan ni Recto ang food inflation.
Dapat din anila na magkaroon ng improvement sa trade at tax revenues upang mabawasan ang malaking utang ng bansa.
Bago pa man naitalaga bilang Finance chief ay naging director general na si Recto sa National Economic and Development Authority (NEDA) mula taong 2008 hanggang 2009.
Mambabatas na rin si Recto sa loob ng tatlong dekada at nagsilbing Batangas Congressman at House Deputy Speaker ngayon sa Kongreso.