BUMAGAL ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa sa antas na 3.6% nitong Disyembre 2021.
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong December 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 3.1% inflation at 52.8 % share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Ang pangalawang commodity group na nagpakita ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Disyembre 2021 ay ang Transport na may 6.1% inflation at 37.5% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng petroleum and fuels, pamasahe sa jeep, at pamasahe sa tricycle.
Pagdating naman sa kontribusyon sa overall inflation nitong Disyembre 2021, ang pangunahing nag-ambag ay ang Food and Non-alcoholic Beverages na may inflation na 3.1% at 32.9% share sa pangkalahatang inflation. Sinundan naman ito ng Housing, Water, Electricty, Gas at Other Fuels at pumangatlo ang Transport.
Inflation sa NCR nitong Disyembre 2021, bumagal din sa antas na 2.8 %.
Sa National Capital Region (NCR), ang inflation nitong December 2021 ay bumagal din sa antas na 2.8 % dahil sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport.
Bumagal din ang inflation nitong Disyembre 2021 sa mga lugar sa labas ng National Capital Region sa antas na 3.9 percent.