LALO pang bumilis ang inflation rate ng bansa nitong buwan ng Oktubre ngayong taon.
Ito ang iniulat ni National Statistician at Civil Registrar General, Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Dennis S. Mapa sa ginanap na press conference nitong umaga ng Biyernes.
Ani Mapa, mas bumilis sa antas na 7.7% nitong Oktubre 2022 ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa, kumpara sa 6.9% noong Setyembre.
Mas mataas din ang inflation rate ng October 2022 kumpara sa 4.0% na inflation sa kaparehong buwan noong 2021.
Dagdag pa ng PSA chief, nasa antas na 5.4% ang average inflation mula Enero 2022 hanggang Oktubre 2022.