INAASAHANG babagal sa 3.7% o bibilis sa 4.5% ang inflation rate sa buwan ng Mayo.
Ito ay kung ikukumpara ang headline inflation na 3.8% nitong buwan ng Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbilis ay posibleng dahil sa pagtaas ng halaga ng kuryente at gulay.
Maging ang paghina ng piso kontra dolyar.
Habang posible naman itong bumagal dahil sa bahagyang pagbaba ng presyo ng bigas, isda, langis at liquefied petroleum gas (LPG).
Tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang i-momonitor ang mga nakakaapekto sa outlook inflation alinsunod sa data-dependent approach ng monetary policy decision-making.
Nakatakda namang ilabas ang May 2024 headline inflation sa June 5.