Inflation sa bansa, bumagal pa sa 5.4% nitong Hunyo

Inflation sa bansa, bumagal pa sa 5.4% nitong Hunyo

BUMAGAL pa sa 5.4% nitong Hunyo ang Inflation sa bansa.

Bumagal pa sa antas na 5.4 percent ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang average inflation mula Enero hanggang Hunyo 2023 ay nasa antas na 7.2 percent.

Sinabi ng PSA na ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong nakaraang buwan kaysa noong Mayo 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Ito ay may 6.7 percent inflation at 36.2 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ang pangalawang nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang pagbaba ng presyo ng transport na may -3.1 percent inflation at 32.2 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa nitong Hunyo 2023.

Habang ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels ang pangatlong nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation na may 5.6 percent inflation at 26.4 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa nitong Hunyo 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter