Inflation sa bansa, bumilis sa 6.4% nitong Hulyo – PSA

Inflation sa bansa, bumilis sa 6.4% nitong Hulyo – PSA

BUMILIS sa antas na 6.4 percent ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hulyo 2022.

Ito ay mas mataas sa 6.1 percent na naitala noong Hunyo 2022.

Ayon sa PSA, ang average inflation mula Enero-Hulyo 2022 ay nasa antas na 4.7 percent.

Sinabi ng PSA na ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Ito ay may 6.9 percent inflation at 64.0 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Nagpakita rin ng mas mataas na inflation nitong Hunyo ang transport at ang restaurants and accommodation services.

 

Follow SMNI News on Twitter