Information and Communications Technology Summit 2022, dinaluhan ni PBBM ngayong umaga

Information and Communications Technology Summit 2022, dinaluhan ni PBBM ngayong umaga

PANAUHING pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Information and Communications Technology Summit 2022 ngayong umaga ng Miyerkules.

Kasalukuyang ginaganap ang naturang event ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa The Manila Hotel sa lungsod ng Maynila.

Kasama ni Pangulong Marcos sa nasabing okasyon si DICT Secretary John Ivan Uy, Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Guillermo at ilang opisyal ng CIOF Foundation, Inc.

Layon ng naturang Summit na maipresenta kung paano pa mapalalaganap ang kaalaman sa mamamayan ukol sa digital transformation sa government transactions, na makapagbibigay ng mas epektibo at mabilis na serbisyo sa publiko.

Ang Tema ng Summit ngayong taon ay “Toward a Citizen-Centric, Inclusive and Sustainable eGovernance.”

Follow SMNI NEWS in Twitter