KASUNOD ng matagumpay na pag-neutralize ng Armed Forces of the Philippines sa 137 miyembro ng mga komunistang teroristang grupo (CTGs) sa 1st quarter ng taong 2023, dapat na sunod na tutukan ng pamahalaan ang information war ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kindom of Jesus Christ.
Sa kaniyang programang Powerline nitong Biyernes, Abril 14, ani Pastor Apollo sa labang ito nagkukulang ang pamahalaan kaya handa siyang tumulong sa pamamagitan ng kaniyang broadcasting network.
“We are not winning in the information war and the CPP-NPA-NDF or the CTGs— they know how to twist the news. They have these propaganda machines that really cover the true news and twist it, That’s why I dedicated SMNI to help in the information war against these CTGs —communist terrorist groups because that is where the government is lacking,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.
Binigyang-diin pa ng butihing Pastor na naririto siya at ang SMNI para isiwalat ang mga kasinungalingan ng mga komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
SMNI, katuwang ng pamahalaan sa information war vs CTGs
“But now they have a match with SMNI because we are here helping our government because we are here for the information war of exposing the lies of the CPP-NPA-NDF propaganda machines and they are losing as of now,” ayon pa kay Pastor Apollo.
Ang programang “Laban Kasama ang Bayan” ang isa mga pangunahing programa ng SMNI na inilaan ni Pastor Apollo upang direktang banggain at hubaran ng maskara ang CPP-NPA-NDF.