MATAPOS ang una nitong US Television Series na Monarch, inihayag ng aktor na si Iñigo Pascual na nagpadala na agad ito ng audition tapes para sa iba pang proyekto sa Hollywood.
Ani Pascual, hindi lang siya pwedeng mapirmi sa iisang long-term projects dahil sa hinihintay pa nila sa ngayon kung ipagpapatuloy nila ang Season 2 ng Monarch.
Dagdag ni Iñigo, umaasa rin ito na makakasama o makakakita rin siya ng gaya niyang Filipino artists sa Hollywood scene.
Humihingi rin si Iñigo ng suporta sa mga fans at kababayan nito na panoorin ang kanyang serye upang masiguro ang Season 2 ng kanyang serye.