NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi mandatory ang pagbabakuna sa mga manggagawa na hindi pa bakunado.
Sa isang virtual presser ng DOLE, ipinaliwanag ni Asec Ma. Teresita Cucueco na may opsyon sa unvaccinated workers na ayaw magpabakuna pero pumapasok sa trabaho.
Sa inilabas na Resolution 148B ng IATF, ang mga worker na ayaw magpabakuna ay dapat sasailalim sa RT-PCR test pero sarili gastusin ng mismong worker.
Maliban dito, regular din na gagawin ang RT-PCR test sa isang manggagawa na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
“Nakasaad na ang regular testing is at least once every two weeks, it can be more but at least once every two weeks. And again at the worker’s expense RT-PCR is definitely the preferred testing because andaming false negative sa antigen,” pahayag ni Asec. Cucueco.
Hinihikayat ng ahensiya ang mga workers na magpabakuna dahil marami na ang bakunang dumarating sa bansa.