Inisyal na pinsala sa agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, halos P800-M –DA

Inisyal na pinsala sa agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, halos P800-M –DA

NASA 8 rehiyon sa bansa ang lubhang napinsala ang agrikultura nitong nakalipas na mga araw dahil sa malawakang pagbaha dulot ng shear line.

Dahil dito, aabot sa halos ₱800 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Sa latest bulletin ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga naapektuhan ay ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas.

Kasama rin ang Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga Region.

Higit sa 30,000 na magsasaka ang apektado ng tuluy-tuloy na malalakas na pag-uulan.

Nasa halos 15,000 metriko tonelada ng produksyon ang nasira mula sa halos 50,000 ektarya ng taniman.

Kabilang sa mga nasira ay mga palayan, mais, high value crops, livestock at poultry.

Asahang tataas pa ang halaga ng pinsala habang nagpapatuloy ang validation sa mga apektadong lugar.

Tiniyak naman ng DA na makatatanggap ng ayuda ang mga naapektuhang magsasaka.

Follow SMNI NEWS in Twitter