NAGING matagumpay ang inisyal na paglulunsad ng “Resbakuna Kids” program Sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez.
Batay sa datos ng NTF, pumalo na sa 100,370 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa 482 sites.
Habang nasa 1.56 milyong doses pa ng Pfizer vaccine ang available.
Pebrero 4 nang inilunsad ang nasabing programa sa buong bansa na naglalayong mabakunahan ang 15.5 milyong bata sa nasabing age group.