WALANG aasahang tulong mula sa kabuoang samahan ng Tau Gamma Phi ang mga initiator ni John Matthew Salilig, ang estudyante na namatay dahil sa hazing bilang initiation sa samahan.
Ito ang binigyang-diin ni TGP Party-list Rep. Jose ‘Bong’ Teves, Jr. sa panayam ng SMNI News na isa ring miyembro ng samahan.
Awtomatikong tanggal na rin aniya ito sa kanilang samahan.
Sinabi ni Rep. Teves, taong 1994 pa nang ipinatupad nila ang ‘No Contact Policy’ at nakakapanlumo, nakakagalit at nakakahiya aniya ang naturang insidente.
Nilinaw naman ng mambabatas na hindi lahat ng miyembro ng Tau Gamma Phi ay gumagawa ng kalokohan.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ng mambabatas ang totoong proseso para makapasok ang isang indibidwal sa Tau Gamma Phi.
Samantala, hinggil sa pagbabawal na ng fraternity sa mga paaralan, sinabi ni Rep. Teves na kung ito ay nakasasama ay maaaring ipa-‘ban’.