UMAABOT sa bilyon ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Paeng.
Batay inisyal na ulat ng Department of Agriculture (DA), mahigit 83, 704 na magsasaka at mangingisda ang apektado.
Ito ay mula sa CAR, Cagayan Valley, Central, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Easten Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao at Soccsksargen Regions.
Nasa 84, 677 hectares na agricultural areas ang nasalanta ng bagyo at nasa 197, 811 metric tons naman ang production loss kung saan kabilang sa nasirang mga pananim ay palay, mais, at mga high value crops.
Asahan pang tataas ang estimated production loss habang nagsasagawa pa ng validation ang DA-DRRM Operations Center.
Ayon sa DA, inihahanda na nila ang ipamamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Sinabi rin ng kagawaran na maglalabas sila ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Magkakaroon din sila ng pautang sa ilalim ng sure-aid program ng Agricultural Credit Policy Council.