BUMABA ng 6.37% ang insidente ng krimen sa bansa sa unang 6 na buwan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pulong balitaan, iniulat ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. na nasa 105,568 insidente ng krimen ang naitala mula Hulyo 2022 hanggang Enero 7, 2023.
Ito ay 7,178 na mas mababa kumpara sa 112,746 na naitala noong Hulyo 2021 hanggang Enero 7, 2022.
Pinakamalaking pagbaba ang iniulat sa Mindanao na nasa 12.29%, sumunod ang Luzon na nasa 7.35% habang bahagyang tumaas naman ng 5.65 sa Visayas.