Inspeksiyon sa mga rice warehouse, tuluy-tuloy—Speaker Romualdez

Inspeksiyon sa mga rice warehouse, tuluy-tuloy—Speaker Romualdez

SINIGURO ni Speaker Martin Romualdez na magtutuluy-tuloy ang pagsasagawa ng surpresang inspeksiyon sa mga warehouse ng bigas upang mahanap ang iniipit na suplay ng bigas na nagpapataas sa presyo nito.

Aniya na makakatuwang ng Kamara ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Bien Rubio sa pag-iikot at pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga warehouse.

“I thank Commissioner Rubio for his initiative of peering into these suspicious warehouses at a time when Filipinos are grappling with rising prices of rice. This will make hoarders think twice about their schemes,” ani Speaker Romualdez.

Agosto 24 nang magkatuwang na suyurin ng ilang kongresista at opisyal ng BOC ang mga malalaking warehouse sa Bulacan kung saan nakaimbak ang mahigit 200,000 sako ng bigas

Sa pamamagitan ng letter of authority (LOA) ay isinara ng mga tauhan ng BOC ang warehouse ng Great Harvest Rice Mill, San Pedro at FS Rice Mill at pinagsumite ng mga kaukulang dokumento upang patunayan na hindi smuggled ang mga ito at nabayaran ang kaukulang buwis.

Binigyang-diin ni Romualdez sa isinagawang inspeksiyon na dapat agad ilabas sa merkado ang natuklasang suplay ng bigas upang hindi magkaroon ng sapat na suplay sa merkado at hindi tumaas ang presyo nito.

Sa nakalipas na linggo ay nagkaroon ng pagtaas sa bentahan ng bigas sa Metro Manila na naglalaro ng P50 hanggang P62 kada kilo.

Kung hindi agad tutugunan ay posibleng pumalo pa ang presyo sa P60 hanggang P65 bawat kilo sa mga palengke.

Pagtitiyak naman ng House Leader na hindi hahayaan ng Kamara de Representantes na matulad ang bigas sa nangyari sa sibuyas noong nakaraang taon kung saan sumipa ng hanggang P700 kada kilo ang presyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble