Instant pakbet at chopsuey, inilunsad ng pribadong sektor katuwang ang pamahalaan

Instant pakbet at chopsuey, inilunsad ng pribadong sektor katuwang ang pamahalaan

SAY goodbye na sa mga delata at noodles mga kababayan dahil meron na ngayong bagong instant ulam na inilunsad para sa masa.

Ito ay ang instant pakbet at chopsuey na likha ng Farm Fresh Products katuwang ang iba’t ibang farmer organizations sa bansa.

Katuwang ang Department of Agriculture (DA), hangad ng private and public partnership na ito na ipaabot ang mura at masustansiyang instant food sa mga Pilipino.

Pero, magkano nga ba ang presyo per pack ng instant chopsuey at pakbet?

‘‘A family of five, hindi tayo lalagpas ng P100, a family of five. Sapagkat during the ‘yung ano over ang supply natin because may kumpleto tayo ng facilities, cold storage facilities pwede na nating i-process itong produkto lalo na pag-over supply mura ‘yan. Kaya kung mura natin makukuha, mura din nating ibebenta,’’ ayon kay Jerry Pelayo Founder, Farm Fresh Produce.

‘‘On process pa ang review kung magkano ang magiging presyo pero relatively cheaper siya kasi ‘yung usapan namin dito kailangan hindi at least at par or lower doon sa presyo,’’ ayon naman kay Asec. Arnel de Mesa, Spokesperson, Department of Agriculture.

Bukod sa mga consumer, malaking tulong din ang bagong produkto sa mga magsasaka.

Direkta kasing mabibili ang kanilang mga aning gulay na hindi na dumadaan sa middleman.

Kaya, ang mga gulay galing Bataan, Benguet at iba pang probinsiya, matagal nang masisira.

‘‘At least nakita, narinig natin kanina Sir na walang masasayang. Eh doon sa amin puro mag-presyo ‘yung mga farmers natin very abundant ‘yung harvest nila,’’ saad pa ni Mayor Franklin Smith, Atok Benguet.

‘‘Siyempre mape-preserve ‘yung mga ani ng mga magsasaka na minsan pagka sobrang daming ani nila nasisira lang. With this program, mape-preserve, dadagdag ‘yung kita nila kasi halos mawawala na ‘yung mga traders,’’ aniya Mayor Jopet Inton Hermosa, Bataan.

Half-cooked na aniya ang mga gulay na tampok sa instant chopsuey at pakbet.

Pero vacuum sealed ito para sa mas matagal na shelf life.

Target ng DA at ng Farm Fresh Products na ipalit ang instant ulam sa canned goods na ipinamimigay tuwing kalamidad.

‘‘Kasi puro ano ‘yan eh, puro preservative eh. Ito makatutulong na sa Pilipino farmers, very nutrients pa. ‘Yung nutrients niya pampalakas natin sa bawat katawan natin,’’ ayon pa kay Jerry Pelayo.

Follow SMNI NEWS on Twitter