Insurhensiya at NTF-ELCAC, dapat pagtuunan pa rin ng pansin kahit hindi nabanggit sa SONA – Pastor Apollo C. Quiboloy

Insurhensiya at NTF-ELCAC, dapat pagtuunan pa rin ng pansin kahit hindi nabanggit sa SONA – Pastor Apollo C. Quiboloy

SANA’Y bigyan pa rin ng kaukulang pansin ng kasalukuyang administrasyon ang usapin hinggil sa anti-insurgency at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  (NTF-ELCAC) ayon sa Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa kabila ito ng hindi pagkasali ng naturang isyu sa SONA speech ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang din sa hindi nabanggit ay ang pagsugpo sa ilegal na droga.

Para sa butihing Pastor, kung walang malinaw na kumpas tungo sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, lahat ng gagawin sa Pilipinas ay hahantong lang sa kaguluhan.

Maging ang mga uniformed personnel na masigasig sa pakikiisa sa laban kontra insurhensiya sa pamamagitan ng NTF-ELCAC ay panghihinaan din ng loob.

Dagdag pa ng butihing Pastor, paglalaruan lang ng mga drug lords at komunista ang bansa kung hindi maayos na matutukan ang peace and order.

Binigyang-diin naman ni Pastor Apollo na hindi niya ikinukumpara ang Duterte at Marcos admin.

Nagiging realistic lang aniya siya sa usaping ito.

Samantala, pinuri ni Pastor Apollo ang ibang mga sinabi ni PBBM sa kanyang SONA lalong-lalo na ang tungkol sa ekonomiya at aabangan na lang ang magiging resulta sa mga programa at proyektong binanggit ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter